KUNG SI Chrislynn lang din ay gusto pa sana niyang tikisin si Kirst. Pero iyong makita niya na maging ito ay nasasaktan sa naging sitwasyon nila… hindi na niya kayang gawin. Lalo na pati ang puso’t isipan niya ay mabilis napatawad ang binata. Siguro nga, lahat naman ay nagkakamali. Nagkamali rin naman siya. Nagbitiw siya nang mga salita na na-misinterpret ni Kirst. Ang akmang pagtanggal sana niya sa mga kamay na nakayakap sa kaniya ay hindi na niya naituloy pa. Ibinaba niya ang mga kamay at sandaling dinama ang init na nagmumula sa katawan ni Kirst. Kahit miss na miss na rin niya ang lahat dito ay nagpigil pa rin siya na isatinig iyon. Huminga siya nang malalim. “Gagawin mo lahat para bumalik ako sa iyo?” sa wakas ay bulalas niya. “Hmmm. Kahit ano.” Pinalis niyang muli ang natitirang