“ATE LYNN,” muling untag kay Chrislynn ni Eljhen. “Hindi ka pa po ba lalabas dito sa room?” Napakurap-kurap si Chrislynn pagkuwan ay inilibot ang tingin sa munting silid na iyon kung saan katatapos lang ng story telling niya sa mga bata. Siya na lang pala ang naiwan doon. Lumipad na naman ang isip niya. Mabilis niyang nginitian si Eljhen. “Aayusin ko lang ‘yong gamit ko, lalabas na rin ako.” “Okay po. Bye, Ate Lynn,” masigla pa nitong paalam bago tuluyang lumabas sa silid na iyon. Nang mapag-isa ay napabuntong-hininga na naman siya. Iniisip niya si Kirst na iniwan niya kahapon ng walang paalam sa tinutuluyan niyang hotel. Sinamantala niya na natutulog pa ang binata nang umalis siya ng alas singko ng umaga kahapon. Sa ngayon, magulo pa ang isip niya. Kahit i-assure ni Kirst na kaya siy