KAHIT ano’ng posisyon ay nagawa na ni Chrislynn sa paghiga pero hayon at hindi pa rin siya makatulog. Napabuntong-hininga siya. Namamahay siguro siya. Mula sa pagkakahiga ay naupo si Chrislynn. Kinuha niya sa may bedside table ang kaniyang cellphone at tiningnan doon ang oras. Ala-una na ng madaling araw. Nang mga sandaling iyon ay nasa bahay siya nina Tita Feli. Araw iyon ng Biyernes at katulad ng pangako niya rito ay naroon siya ngayon. Pinaunlakan niya ang imbitasyon nito na manatili sa bahay ng ginang hanggang sa Linggo. Maganda ang silid na kinaroroonan niya, mukhang pinaghandaan talaga ang pagdating niya roon para lang maging kumportable siya. Pero hindi naman siya dalawin ng antok. Isang buntong-hininga pa bago ipinasya ni Chrislynn na lumabas ng guest room na siyang inuukupa niy