Chapter 108

1850 Words

“NAKIKITA ko na napalaki ninyo ng maayos si Kirst,” mayamaya ay wika ni Governor Conrad habang hawak-hawak ang handle ng fishing rod. Ang hook niyon ay nakalubog sa tubig sa may ilog na kinaroroonan nila nang mga sandaling iyon. Sandaling sumulyap si Manuel sa Gobernador bago nito ibinalik ang tingin sa ilog. Nakahawak din ito sa handle ng gamit nitong fishing rod. “Mabuting anak si Kirst,” anito. Sa hindi kalayuan ay naroon ang mga bodyguards, nakabantay sa mga ito at sa paligid. Bumuntong-hininga ang Gobernador at nagsimulang magkuwento habang nakatingin din sa may ilog. “Noong nakaraang buwan ay sinadya ako ng anak mo sa aking opisina,” panimula niya. “Humihingi ng basbas para pormal na makipaglapit uli kay Nastya. Bagay na tinutulan ko muna dahil nasangkot sa isang issue ang anak ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD