Chapter 53

1414 Words

HALOS manakit ang mga bagang ni Kirst sa mariin na paglalapat niyon. Hindi niya lubos maisip na mas grabe pa pala ang pinagdadaanan ni Chrislynn sa lumipas na apat na buwan. At wala siya sa tabi nito para damayan ito. Aluin ito sa panahong umiiyak ito kapag naaalala ang pagkawala ng kanilang anak. Hinayaan lang niyang pumatak ang luhang hindi na nakatagal sa mga mata niyang nanlalabo ngayon. Bigla ay parang pinagpira-piraso ang puso niya sa kaalamang nawalan sila ng anak sa mismong araw ng birthday niya. Lumapit siya sa kinauupuan ni Chrislynn at naupo sa tabi nito. Lalo siyang nasasaktan sa nakikitang sakit sa maganda nitong mukha. Walang salita na kinabig niya ito at mahigpit itong niyakap. Gusto niyang maramdaman nito na naroon siya. “Hindi mo kasalanan,” alo niya rito. Umiling si C

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD