“SA NAKALIPAS na apat na buwan, ngayon ko lang naramdaman ‘yong na-relax ‘yong buong katawan at isip ko,” ani Kirst habang nagsasaboy ng pagkain ng koi fish sa may fishpond. Bumalik sila roon matapos kumain ng almusal. Natutuwa kasi si Chrislynn sa mga nagkukumpulang isda kapag pinapakain ang mga iyon kaya nag-request siya na bumalik sila roon. Sinulyapan niya si Kirst. “Same here,” tugon niya sa sinabi nito. Ganoon din naman siya. Mukhang ito lang din ang gamot niya sa lahat ng pinagdaanan niya. Tumalikod si Kirst sa may fishpond at sumandal sa may railings na siyang pinakaharang sa may fishpond. Pagkuwan ay saka siya pinagmasdan. There’s so much love on his eyes. At hindi iyon maikakaila ng sino man na makakakita rito ngayon. “Babe, daan muna tayo kina mama bago tayo dumiretso sa Ceb