“SIGURO naman ay wala ng hiwalayang magaganap,” nakangisi pang wika ni Ehlae Ken sa pinsang si Kirst. Umiling si Kirst. “Wala ng dahilan. At wala rin naman sigurong mangangahas na maging dahilan ng muling paghihiwalay namin ni Chrislynn.” “Well, sana nga. Pero dahil member ka na rito sa UHB Leisure Club, asahan mong mangingialam ang mga member dito para lang magkaayos kayo ni Chrislynn. Lalo na kung alam naman nila na wala kang kasalanan. Kasi kapag ikaw talaga ang gumawa ng way para maghiwalay kayo at talagang sinadya mo, bahala ka sa buhay mo. Walang tutulong sa iyo para maibalik ang babaeng sinaktan mo.” “‘Wag kang mag-alala, last na ‘yong four months na nagkalayo kami.” Tumanaw si Ehlae Ken sa madilim na parte ng Leisure Club. Nasa terrace sila ng kaniyang ukupadong suite. Nasa ban