PALIKO na sa pinakadulo ng pasilyo si Chrislynn, galing kasi siya sa ladies room ng Bay View Restaurant kung saan sila nag-dinner nina Maryey, nang mapatigil siya sa paglalakad nang mapagsino ang lalaking biglang sumulpot. Huli na para talikuran siya nito dahil nakita na niya ito. Kumunot ang noo niya. Ano’ng ginagawa ni Ehlae Ken sa UHB Leisure Club? “C-Chrislynn,” tanging naibulalas nito sa pangalan niya. Nagbawi siya ng tingin. Bigla ay nakaramdam siya ng kaba. Kung naroon si Ehlae Ken na pinsan ni Kirst, siguradong ipapaalam nito sa pinsan nito kung nasaan siya ngayon. Kung interesado pa nga ba si Kirst sa presensiya niya. Apat na buwan na ang lumipas, baka nga nakahanap na iyon ng iba. Sa isip ay naipilig niya ang ulo. Bakit nasaktan siya sa isiping iyon? Sinikap niyang magpakakasw