WALANG pagsidlan ang saya sa puso ni Chrislynn nang makarating siya sa Cebu sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa kagustuhan na mapuntahan si Kirst sa araw mismo ng birthday nito kaya naman gumawa siya ng paraan para magkaroon ng pambili ng plane ticket. At sa pagbalik ni Kirst sa Manila, dalawang linggo mula sa araw na iyon, tiyak na mas matutuwa ito sa desisyon niya. Napagdesisyunan kasi niya na sumama na muna rito kapag bumalik na ito sa Cebu. Not for good, pero magtatagal siya sa Cebu kasama ito. Aayusin lang niya ang mga dapat niyang ayusin. Napangiti siya nang maalala ang huling pagkikita nila noong Linggo. Siya kasi ang naunang umalis sa bahay ng mga ito. Iyong tipo na gusto nitong magpaalam sa kaniya. Yakapin at halikan siya, ngunit hindi nito magawa dahil naroon ang ina nito. Kay