PATULOG na sana si Chrislynn nang makarinig ng pagbukas ng pinto. Napabangon siya nang ma-realize na pinto iyon ng silid niya. Kinalma niya ang pusong bigla na lamang tumibok ng mabilis nang makita si Kirst na maingat pa nang isara ang pinto at i-lock. “Pumuslit ka pa talaga,” sita niya kay Kirst nang maglakad ito palapit sa kinaroroonan niya. Hindi na siya bumaba sa kama. “Gusto lang kitang makasama ngayon. Uwian na bukas,” anito na sumampa sa kama at tumabi sa kaniya. Linggo na nga pala kinabukasan. Babalik na ito sa Cebu. Siya naman ay nakatakda na ring bumalik sa House of Love. “Naniwala ka na ba na birthday ko sa Wednesday?” nangingiti pa nitong tanong sa kaniya. Umisod siya ng kaunti palayo kay Kirst. “Oo na.” “Punta ka sa Cebu.” Nagbawi siya ng tingin. “Sinabi ko naman sa iyo