Four months later… NAKATITIG lang si Chrislynn sa harap ng monitor ng kaniyang laptop. Mas matagal pa yata ang itinitig niya roon kaysa ang may maisulat. Simula nang subukan niyang bumalik sa pagsusulat ng manuscript ay mas madalas na nakatitig lang siya sa harap ng kaniyang laptop. Walang letrang maisulat bukod sa naka-bold letter pa na Chapter One. Napabuntong-hininga si Chrislynn. Paano nga ba talaga siyang babalik sa pagsusulat kung tipong pinipilit lang niya ang sarili ngayon? Bigla ay parang nawala ang drive niya sa pagsusulat nang tila gumuho ang mundo niya may apat na buwan na ang nakalilipas. Tila kasama niyong naglaho ang gana niya sa pagsusulat. Ni hindi na niya alam kung paano pa ba magpakilig gamit ang mga character niya. Kung paanong hinubog siya ng Romance sa mga lum