NILARO-LARO ni Nastya ang buhok ni Kirst habang nakatagilid siya ng higa paharap dito. Gustong-gusto talaga niya ang bago nitong hair style. Ang lakas lang talaga ng dating sa kaniya. Hindi niya lubos maisip na may mas iha-hot pa pala ang dati niyang asawa. Kung hindi siya nagkakamali ay thirty-five na ito ngayon, pero hayon at wala pa ring kupas. Mas lalo pang nadagdagan ang hotness nito. Nagmulat ng mga mata si Kirst at deretsong itinuon ang tingin sa kaniya. His eyes were sparkling while looking at her. "Hindi mo talaga tinitigilan ang buhok ko na 'yan," anito nang tumagilid din ng higa paharap sa kaniya. Nginitian niya ito. "Mas bagay nga kasi sa iyo. Siguro, ang dami na namang babae na nahumaling sa iyo." Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Marami nga." Hindi na siya magtatak

