MARIING pumikit si Nastya habang nakatalikod pa rin sa kinaroroonan ni Kirst. Kaunting-kaunti na lang at bibigay na ang inilaan niyang tatag nang mga sandaling iyon. Kahit ano’ng kaila niya ay mukhang hindi titigil si Kirst sa paniniwala nito na siya si Chrislynn. Inaasahan na niya iyon noong unang magkita sila. Mauungkat at mauungkat ang nakaraan niya simula nang magkita sila nito sa hotel sa San Felix. Five years… makalipas ang limang taon na iyon. Ngayon lang uli niya narinig na may tumawag sa kaniya na Chrislynn. At kay Kirst pa niya iyon mismo maririnig. Sinikap niyang hindi mapaluha. Hanggat kaya niya ay ikakaila niya ang katotohanang iyon. Huminga muna siya nang malalim bago hinarap si Kirst. Sinikap niyang magpakainosente lang sa harapan nito. “Uulitin ko,” aniya mayamaya. “Si

