GANOON na lang ang gulat na rumihistro sa mukha ni Chrislynn nang makitang may prenteng nakaupo sa may kama na gamit niya sa guest room na iyon. Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa gulat. “Ano’ng ginagawa mo rito?” sita agad ni Chrislynn kay Kirst. Minabuti muna niyang balikan ang pinto at i-lock bago ito lapitan. “Ginawa mo pa itong tambayan.” Hindi niya mapigilang maalarma dahil baka may makakita kay Kirst na galing ito sa silid na gamit niya. Balewala naman kay Kirst ang paninita niya. Ngumiti pa ito sa kaniya bago niyakap ang isang unan. Nakaupo ito habang nakasandal sa may headboard ng kaniyang kama. “Gusto lang naman kitang makita. Napakatagal mo sa silid ni mama. Ano ba’ng ginawa ninyo? Pinamanahan ka na ba niya?” biro pa nito. Humalukipkip siya at nanatili lang nakatayo s