INIKOT-IKOT ni Chrislynn ang straw sa kaniyang tall glass. Nasa isang restaurant siya at may hinihintay na kaibigan. Ngayon, kumpleto na ang buong pagkatao niya. Kung sino ba talaga siya at kung saang pamilya siya nanggaling. Sino ba ang mag-aakala na ang isang katulad niya ay galing sa isang buena familia? Sa twenty-eight years niya sa mundo, hindi niya inaasahan na napakaraming mangyayari sa buong isang taon. At hindi pa nga siya nagtu-twenty-nine ay may bago na namang pasabog sa pagkatao niya… “Hindi namin ginusto, lalo na ako na ina mo, na mawalay ka sa amin. Nito na lang namin nalaman kung saan ka maaaring matagpuan. Twenty-eight years, ganoon katagal na umasam ako na makita pa kita. Patawad, anak, kung isa ka sa nakaranas ng kalupitan ng Lola Haleah mo. Nang ipanganak kita noon