Chapter 93

2574 Words

BAGO pa sumapit ang alas singko nang madaling araw ay nakagayak na si Kirst. Balikan lang din naman siguro sila, sa San Felix pagkagaling nila sa San Simon, kaya hindi na siya nagdala pa ng extra na damit. Tiningnan niya ang oras sa relong pambisig. Quarter to five na nang umaga. Kung bakit ganoon na lang ang excitement niyang nararamdaman na makasama si Nastya sa araw na iyon ay hindi niya mawari. Pagkatapos ng misyon nila sa araw na iyon ay kakastiguhin na niya ang babae. Alam niya at nararamdaman niya na tama ang hinala niya. Maraming dahilan para ipagkamali talaga niya si Nastya kay Chrislynn. Naniniwala naman siya na may oras para sa ganoon. Sa ngayon, pagbibigyan muna niya ito na mapuntahan at matulungan ang bata sa video. Pagkatapos niyon ay sila naman ang mag-uusap. Naroon na siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD