LORABEL Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatitig sa cellphone na hawak ko at pinagmamasdan ang mensaheng natanggap ko. Pupunta dito sa bahay si Uncle Zarex. Bigla na namang bumilis ang pintig ng aking puso nang malaman kong pupuntahan niya ako. Ganito lagi ang aking nararamdaman kapag kasama ko siya at malapit siya sa akin. Para bang sasabog ang aking dibdib dulot ng napakabilis na pintig ng aking puso, kaya hinihingal ako at nakakaramdam din ako ng panlalambot ng mga tuhod. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa ibang lalaki kapag nasa paligid ko sila. Siguro ay dahil intimate ang kilos ni Uncle Zarex sa akin kapag kasama ko siya, kaya naisip ko na ganito ang epekto niya sa akin. Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan. Umupo ako sa gilid ng kama at hinin