LORABEL Hingal na hingal ako at naghahabol ng hininga nang pakawalan ni Uncle Zarex ang labi ko. Sumubsob ang mukha niya sa leeg ko at niyakap ako ng mahigpit. Pareho kaming tahimik, pero naririnig ko ang malakas na pintig ng aming mga puso na para bang iisa lang ang ritmo nito at sabay na tumitibok. “Ayos ka lang ba, Uncle?” kinakabahan at nakapikit kong tanong sa kaniya. “Hmmm.” Tanging ito lamang ang narinig ko mula kay Uncle Zarex. Napalunok ako dahil nararamdaman ko ang mainit na buga ng kaniyang hininga sa balat ko habang nakasiksik ang mukha niya sa aking leeg. Napasinghap ako nang maramdaman kong naglandas ang mainit at patak-patak na halik ni Uncle Zarex sa aking leeg. “You smell so good, babe,” mahina, pero malalim ang tinig na bulong sa akin ni Uncle Zarex. “Ha?” gulat n