LORABEL Hindi umalis ng bahay si Uncle Zarex, kaya maghapon kaming magkasama. Nagkulong lang kami sa loob ng kaniyang silid dahil tinanggihan ko ang alok niyang mamasyal. Wala naman akong alam na lugar na gustong puntahan. Mas gusto kong manatili dito sa bahay para makapagpahinga dahil pagod na pagod ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at hindi nangulit si Uncle Zarex. Hinayaan niya akong magpahinga dito sa kaniyang silid. Para tuloy akong may sakit dahil may pinapunta pa siyang doktor para suriin ako kahit sinabi kong huwag na, tapos dito na rin ako kumain. “How are you feeling, babe?” tanong ni Uncle Zarex. Napalingon ako sa pintuan at nakita ko siyang nakatayo. Nandito kasi ako sa veranda at pinagmamasdan ang paligid habang sumasagap ng hangin dahil maghapon na akong nakakulong sa l