LORABEL “Uy, bagong cellphone!” Napansin agad ni Brando ang aking cellphone nang ilabas ko ito dahil narinig kong nag-ring sa loob ng aking bag. “Wow, pareho tayo ng cellphone,” sabi rin ni Faye. Inilabas niya ang kaniyang cellphone at ipinakita sa amin. “Ay, belong nga ako sa grupo. May ganyan rin akong cellphone,” nakangiting sabi ni Brando. “Talaga?” natutuwang tanong ko sa kaniya. Inilabas niya ang cellphone at ipinakita sa amin. “Galing abroad ‘yan, sa China, pero sa Divisoria ko binili,” nakangiting sabi niya sa amin. “Hayaan mo na, basta may cellphone ka,” sabi ko sa kaniya. “Oo nga, mukha namang original, e,” komento ni Faye. Kinuha niya ang cellphone ni Brando at pinagkumpara ang aming mga cellphone. “Pareho lang ang bigat, parang original din,” sabi ni Faye. Dahil cu