LORABEL Tahimik akong nakaupo kaharap si Uncle Zarex habang hawak ko ang kopita ng alak. Hinayaan naman niya akong uminom at sinabing mag-enjoy lang daw ako at siya ang bahala sa akin kapag nalasing ako. “Naku, paano kapag nalasing ka, Uncle?” tanong ko sa kaniya. “Trust me, hindi ako malalasing ng wine,” nakangiti niyang sagot. “Talaga?” Tumango naman si Uncle Zarex at ngumiti sa akin. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at nilagyan din niya ang baso sa harap ko. “May pasok ako bukas, Uncle,” sabi ko sa kaniya. “Huwag tayong magpagabi, ha?” “Sure, babe,” nakangiting sagot ni Uncle Zarex. Itinaas niya ang baso at nakangiting nakipag-toast sa akin bago dinala ito sa kaniyang labi at sumimsim ng alak. Ngayon ko lang ito ginawa dahil bahay at paaralan lang ang routine ko n