LORABEL Hindi ako makagalaw habang nakayakap sa katawan ko ang mga braso ng asawa ko, at patuloy niya akong sinisiil ng halik sa labi. Nadala na rin ako sa panunukso niya. Nagsimula akong tugunan ang panghahalik niya sa akin at sabayan ang sensual na paghagod ng dila niya sa aking mga labi. Marahan niyang kinagat ang ibabang labi ko, kaya napasinghap ako, bagay na sinamantala naman niya dahil hinuli niya ang aking dila. Naging malalim ang panghahalik ni Zarex sa akin. Bawat galaw ng mga labi niya ay sinasabayan ko, kaya hindi ko namalayan na nahawi na pala niya ang tela ng suot kong damit sa tapat ng aking dibdib. Namalayan ko na lang na sapo niya ang aking dibdib at mapangahas na nilalaro ito ng kaniyang mga kamay. Hingal na hingal ako nang pakawalan niya ang labi ko at naglandas s

