Chapter 124

1445 Words

LORABEL Nakatulala ako habang nakasandal ang likod at ulo sa headboard ng kama at pinagmamasdan ang singsing sa aking daliri. Halo-halong emosyon rin ang aking nararamdaman ngayon dahil kahit pigain ko ang aking isipan ay wala pa rin akong maalala, kaya lalo lamang akong nakakaramdam ng frustration. Mag-isa ako dito sa silid nang magising ako. Wala si Z at hindi ko rin naririnig ang ingay ng mga anak ko, pero kahit tahimik ang paligid ay napakagulo ng isipan ko. Para bang pakiramdam ko ay nababaliw na ako. Kaya ilang ulit akong pumikit at huminga ng malalim para gumaan ang mabigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong bumukas ito. Pumasok pala ang asawa ko, kalong ang anak namin. Humakbang siya palapit sa akin at tumigil sa tapat ko. “He mis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD