LORABEL Gulong-gulo ang isip ko habang paulit-ulit kong pinipiga ang aking isipan. Pumikit ako at inalala ko ang mga nakaraan sa buhay ko simula pagkabata, hanggang namatay si Mama, pero hindi ko naman maalala kung alin sa mga panahong iyon ang nawala sa alaala ko. Ang sabi ni Uncle Zarex, may amnesya raw ako. Ito ang dahilan kung bakit wala akong maalala, pero pakiramdam ko'y nababaliw ako sa tuwing pinipilit kong mag-isip ng paulit-ulit. “Aray!” Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng matinding sakit. Para bang pinipiga ang utak sa sintido ko at kumikirot ang mga ugat ko, kaya napahiyaw ako. Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman. Para bang binibiyak ang aking ulo. Nasusuka rin ako at pinagpapawisan, pero balewala ito sa akin ngayon dahil tinatalo ito ng sakit na nanun

