LORABEL Hatingabi na ako nakatulog, kaya tanghali na ako nagising. Ginising ako kanina ni Uncle Zarex para mag-almusal, pero dahil masama ang pakiramdam ko, ay hindi ako bumangon at sumabay kumain sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko ngayon sa katawan ko. Para bang hinang-hina ako, kaya hindi na ako bumaba para kumain. Gamit ang intercom, nakiusap ako kay Jaja na hatiran niya ako ng pagkain dito sa silid namin ni Uncle Zarex. “Ma'am, okay ka lang ba?” tanong ni Jaja sa akin. “Ang putla mo ngayon.” “Masama kasi ang pakiramdam ko, Jaja,” sagot ko. Inilapag ko ang kutsara at tinidor dahil wala akong ganang kumain. Pinilit ko lang dahil hindi ako puwedeng hindi kumain ng almusal dahil iinom pa ako ng mga vitamins ko. “Ma'am, parang sobrang nanghihina ka,” sabi ni Ja