LORABEL “Ma'am, pinatatawag na po kayo ni Ma'am Cassy,” narinig kong sabi ni Jaja, kaya lumuwag ang nakayakap na mga braso ko sa bewang ng asawa ko. “Ikaw kasi,” paninisi ko kay Zarex. Natawa naman siya, pero hindi sumagot para ipagtanggol ang kaniyang sarili. Siya na ang nagdala ng kape habang papunta kami sa dining room. Sabay rin kaming umupo, pero nag-iwas ako ng tingin nang makita kong nakatingin sa amin si Mommy Cassandra. “Huwag ninyong sabihin na nag-make out pa kayo sa kusina kaya natagalan kayo doon?” Napalunok ako dahil biglang nag-init ang aking magkabilang pisngi. Prangka talaga ang mother-in-law ko at sinasabi niya ang gusto niyang sabihin, pero hindi ko napaghandaan ang narinig ko ngayon. “Let's eat,” sabi ni Daddy Evan, at sinundan din ito ni Mommy Cassandra. “Mala

