LORABEL Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng coffee shop. Para akong tuod nang tumayo ako at walang emosyon na iniwan si Miss Aila, pati na rin ang anak niyang si April, at naglakad palapit sa kotse ni Uncle Zarex. “Ma'am, yung order mo po?” tanong ni Kuya Imran sa akin. “Naiwan ko sa loob, Kuya,” sagot ko. “Please, pakikuha na lang po sa counter.” “Ayos ka lang po ba, ma'am?” muling tanong ni Kuya Imran sa akin. “Oo,” tipid kong sagot. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at pumasok na ako at umupo sa backseat. Binuhay naman ni Kuya Imran ang makina ng sasakyan, pati na rin ang air-conditioner para hindi ako mainitan. Nang pumasok si Kuya Imran sa loob ng coffee shop ay nakita kong lumapit sa kaniya si April, at pagkatapos nilang mag-usap, bigla itong lumabas at lumapit sa kotsen