LORABEL Mula sa ospital, tumuloy ako dito sa bahay ng mga magulang ko. Hindi muna ako umuwi sa bahay ni Uncle Zarex dahil gusto kong mag-isip kung ano ang mabuting gagawin ko ngayong buntis ako. Hindi pa rin ako sigurado kung paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Engaged siya kay April, at sa nakita ko, hindi papayag ang babaeng iyon na mapunta si Uncle Zarex sa akin. Mukha naman siyang may pinag-aralan, pero nagawa niyang mag-iskandalo kanina. Inaway niya ako at wala siyang pakialam kahit maraming tao ang nakapaligid sa amin at nanonood ng away namin. Napabuntonghininga ako nang maalala ko kung ano ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng labis na galit para sa babaeng iyon, pati na rin sa kaniyang ina dahil sa pananakit nila sa akin ka