LORABEL Dito kami namalagi sa bahay na binigyan ni Zarex sa akin. Ilang araw na kami dito, pero nagustuhan ko ang tahimik na pamumuhay dito. Isang oras at labinlimang minuto ang layo ng biyahe pabalik ng Maynila, at kung minsan ay inaabot ng dalawang oras kapag traffic, kaya araw-araw, sumasakay sa kaniyang chopper ang asawa ko para pumasok sa trabaho. Sa tulad niyang negosyante, malaking lugi kung naiipit siya ng ilang oras sa kalsada. Isa pa, mas gusto niyang sumakay sa kaniyang chopper dahil mas mabilis siyang makakarating dito sa bahay, at hindi rin niya kailangang umalis agad, kaya may oras kami para magkasama ng matagal. Gaya nga ng sabi ng asawa ko, nagustuhan ko ang lugar na ito. Mas naging panatag ako at wala nang ibang iniisip dahil naging maayos na ang relasyon naming dalaw

