Chapter 10

1495 Words

LORABEL Minabuti kong huwag sabihin kay Uncle Zarex ang tungkol sa utang na kailangan kong bayaran dahil hindi na niya iyon responsibilidad. Sapat na sa akin na pinatuloy niya ako dito sa bahay niya, at may maayos akong tinutulugan at pagkain. Napakalaking bagay na ito sa akin dahil hindi ako pakalat-kalat sa lansangan ngayon dala ang aking mga gamit. Naisip kong humingi ng tulong kay Faye, pero malaking pera na ang ibinigay niya sa akin para bayaran ang utang ko sa purenarya. Maging si Brando ay nagbigay rin, kahit alam kong hirap rin siya sa buhay, kaya wala akong lakas ng loob na magsabi sa kanilang dalawa. Isa pa, hindi biro ang halaga ng utang ni Mama, kaya hindi ko kayang sabihin iyon sa mga kaibigan ko dahil hindi lamang iyon libo kundi milyon na ang pinag-uusapan namin. Napabu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD