LORABEL “Ako... gusto mong ipangbayad ko ang aking sarili sa iyo, tama ba, Uncle?” paglilinaw ko sa sinabi ni Uncle Zarex dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakaunawa ko. Muling tumaas ang kilay ni Uncle Zarex. Seryoso siya, pero para bang may kakaiba sa kaniyang mga mata sa paraan kung paano niya akong tingnan. “Are you willing to do that, babe?” tanong rin ni Uncle Zarex sa akin. “No!” mabilis kong sagot. Napangiti siya, kaya lalo lamang akong naguguluhan nang makita ko siyang natawa. “I'm expecting that, babe.” Mas lalo lamang akong nalito dahil hindi ko lubos maunawaan kung seryoso ba si Uncle Zarex sa kaniyang sinasabi o nagbibiro lamang siya dahil nakikita ko siyang natatawa. “Hey, relax! Don't take it seriously, babe,” natatawang sabi niya sa akin. “No one is fo