LORABEL Limang minuto nang nakalabas ang beautician at hair stylist na nag-ayos sa akin nang bumukas ang pintuan at pumasok si Uncle Zarex dito sa silid namin. “Ready, Babe?” tanong niya sa akin. Tiningnan niya ako mula sa aking mukha, pababa sa aking katawan, kaya napalunok ako dahil nakita ko kung paano niya ako tiningnan. “You look so beautiful,” nakangiting sabi ni Uncle Zarex. Humakbang siya palapit sa akin. Nakaupo ako sa gilid ng aming kama at nagsusuot ng hikaw na kapares ng binili niyang kwintas para sa akin. “Okay na ba ang ayos ko, Uncle?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at tumango. “Bagay na bagay sa iyo ang suot mo, babe.” “Sigurado ka ba?” kinakabahan kong tanong sa kaniya. “Don't worry, I'm telling you the truth, babe.” Maganda ang damit na suot ko, mama