LORABEL Umalis si Ate Kring kasama si Kuya Imran at ang dalawa pang tauhan ni Uncle Zarex para pumunta sa grocery at mamili ng mga kailangan para sa iluluto naming pagkain mamaya para sa birthday ni Uncle Zarex. Naiwan kami ni Jaja dito sa bahay. Hindi siya sinama ni Ate Kring dahil inutusan siyang magluto para sa tanghalian namin. Gusto ko sanang tumulong, pero tinawag ako ni Uncle Zarex. Ayaw niya akong manatili sa kusina kahit sinabi ko naman na kaya kong gumawa ng mga gawaing bahay. Paranoid na siya, at ayaw niyang nawawala ako sa kaniyang paningin. Kapag narito ako sa bahay, gusto ni Uncle Zarex na nakikita niya ako palagi dahil para bang natatakot siya na may hindi magandang mangyayari sa amin ng mga anak ko. Nakaupo kami dito sa sofa habang nanunuod ako ng palabas sa telebisyo