LORABEL Hindi na ako lumabas ng silid namin ni Uncle Zarex simula nang dumating ako. Nagkulong na lang kami dito, at sa veranda na rin kami kumain ng hapunan. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko, at tinatamad akong kumilos. Siguro ay ganito talaga ang buntis. May mga araw na ayaw kong kumilos at mas gusto ko lang na mahiga sa kama at magtalukbong ng makapal at malambot na kumot. “Babe, time for breakfast.” Napapikit ako nang yakapin ako nang mahigpit ni Uncle Zarex mula sa aking likuran. Agad kumalat ang init sa aking balat nang magkadikit kami dahil tanging boxer lang ang suot niya at walang damit pang-itaas. “Inaantok ka pa ba?” tanong niya sa akin. “Hindi na, pero tinatamad pa akong bumangon,” sagot ko. Hinawakan ko ang nakayakap niyang braso sa tapat ng aking tiyan at hinaplos ito.