LORABEL “Ano, ayos ba ang atake ko, girl?” mahinang tanong ni Brando nang makaalis ang waitress. “Oo, ang galing mo, Brando,” natutuwang sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin, pero hindi na siya nagsalita dahil nakita naming dumating ang taong pakay namin kasama ang asawa nito. Umupo sila sa katabi naming mesa. Mukhang hindi kami napansin ni Aila dahil sweet na sweet silang nag-uusap ng kaniyang asawa. “Alam mo, gurl, kahit wala nang DNA test, siguradong siya na nga ang nanay mo,” mahinang sabi ni Brando sa akin. Napalunok ako at bahagyang nag-iwas ng tingin dahil nakita kong napatingin sa direksyon namin ang asawa ni Aila. Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong nag-usap silang dalawa at pagkatapos, sumulyap sa direksyon namin ang babaeng pakay ko. Kunwari ay hindi ko sila