LORABEL Malamig pa rin ang pakikitungo ko kay Uncle Zarex kahit binigyan niya ako ng sampung milyon. Kahit siya ay tahimik ngayon at nakikiramdam sa kilos ko dahil nakita niya na apektado talaga ang aking emosyon simula nang malaman ko ang tungkol sa pustahan nila ng kaniyang mga kaibigan. Hinayaan ko siyang tumabi sa akin dito sa kama. Hindi rin ako tumutol kahit niyakap niya ako dahil kahit nagalit ako sa kaniya, ay namimiss ko rin naman siya. Sadyang nahihirapan lang talaga ako na makontrol ang emosyon ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba may anxiety na ako o dahil sa pagbabago ng hormone ko at epekto ng pagbubuntis ko. “Babe, let's sleep,” bulong sa akin ni Uncle Zarex. Kanina pa dilat ang aking mga mata. Hindi kasi ako makatulog dahil naalala ko na naman ang malanding si April