LORABEL Tumupad sa sinabi niya si Uncle Zarex. Wala pang dalawang oras nang dumating siya, dala ang isang maleta. Hindi ko siya kinausap, pero lihim akong nakikiramdam sa bawat kilos niya. “Here's your money, babe,” sabi niya sa akin. Binuhat niya ang dalang maleta at ipinatong ito sa ibabaw ng kama. Siya na rin ang nagbukas nito, kaya tumambad sa mga mata ko ang napakarami at naka-bundle na mga perang papel. “It's complete. You can count if you want,” sabi pa niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming pera, at kung bibilangin ko ang mga ito isa-isa, ay baka abutin ako ng umaga, pero hindi pa ako tapos. “Baka peke naman ang mga ‘yan,” komento ko dahil lahat ng papel ay bago pa at mukhang kalalabas lang galing sa bangko. “You can check all of them kung wala kang tiwala sa aki