LORABEL “Bakit hindi ka pumasok kahapon, Disney Princess?” nakapamewang na tanong ni Brando sa akin nang madatnan kong naghihintay siya sa akin sa labas ng gate ng campus. Sinalubong agad niya ako nang bumaba ako sa kotse ni Uncle Zarex. Nakita kong inirapan niya ang kasama ko at inikutan ng mga mata, kaya hinatak ko na si Brando palayo dahil baka kung ano na naman ang sabihin niya. “Tinatawagan ka namin ni Faye kahapon para kumustahin kasi hindi ka pumasok, pero hindi ka sumasagot.” Napabuntonghininga ako habang nakikinig kay Brando. Hindi ko masabi sa kaniya ang nangyari sa akin kahapon dahil ayaw kong mag-alala sila ni Faye. “Dumalaw ako sa puntod ni Mama kahapon,” nakayuko kong sagot. “Doon ako namalagi maghapon.” Kalahati ng sinabi ko ay totoo, pero hindi ko na sinabi kay Brand