LORABEL Galit ako kay Aila at sa pamilya niya, kaya ganito ang nasabi ko kay Uncle Zarex. Siguro kung para sa iba, mali ang ginawa ko dahil nanay ko pa rin si Aila, pero hindi ko kayang magkunwaring ayos na ako at tanggapin na lang na siya ang tunay kong ina. Hindi ito madali para sa akin dahil may prosesong kailangang pagdaanan. May transition, kaya nahihirapan din ako, pero wala akong mapagsabihan. Tapos, sabay-sabay pa ang problemang kinaharap ko, kaya kung hahayaan ko siyang makapasok ngayon sa buhay ko, ay baka tuluyan akong mabaliw. Mentally at emotionally, hindi pa ako nakakaahon sa mga pinagdaanan ko sa aking pamilya. Tapos, heto, lumalapit sa akin si Aila at gusto niyang kilalanin ko siyang ina. Kapag ginawa ko ito, siguradong magiging magulo ang buhay ko dahil lalapitan ako