Chapter 90

2142 Words

LORABEL Dito muna ako namalagi sa sementeryo. Kahit inabot ako ng hapon, ay hinayaan lang ako ni Kuya Imran. Hindi rin niya ako tinawag at tinanong kung anong oras kami uuwi, kahit lumubog na ang sikat ng araw. Tahimik akong nakaupo sa tapat ng puntod ni Mama. Nakatitig lamang ako sa kaniyang lapida at kinakamusta ko siya. Paulit-ulit ko rin siyang kinausap sa aking isipan habang hinahaplos ko ang kaniyang lapida at sinasabi ko sa kaniya na miss na miss ko na siya. Nang nabubuhay pa siya, wala akong ibang iniisip noon kundi ang pumasok sa eskwelahan at mag-aral. Naging mabuti siyang ina sa akin, kaya napakahirap at napakasakit tanggapin ang nangyari sa kaniya dahil alam kong mabuti siyang tao. Kung hindi lang sana nagloko si Papa, siguradong buo pa ang aming pamilya. Pero kahit anong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD