LORABEL Kahit nakauwi na ako dito sa bahay ni Uncle Zarex, ay laman pa rin ng isipan ko kung paano niya nalaman ang pinag-uusapan namin ni Kuya Imran, gayong hindi naman namin siya kasama. Mukhang may nakalagay na camera sa loob ng kaniyang kotse, kaya alam ni Uncle Zarex kung ano ang mga pinag-usapan namin ni Kuya Imran dahil nanonood siya at binabantayan ang kilos ko. Tumawag agad siya kanina at pinagalitan si Kuya Imran dahil tsini-tsimis daw siya. Nakakatawa man ang pagiging defensive niya, pero dahil doon ay nalaman kong binabantayan ni Uncle Zarex ang bawat kilos ko dahil baka hanggang ngayon ay natatakot siya na bigla na lang akong umalis at itago sa kaniya ang mga batang nasa sinapupunan ko ngayon. “Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas.” Napalingon ako sa security guard