LORABEL Pagdating namin sa bahay, umakyat agad ako sa loob ng silid namin ni Uncle Zarex at kinuha ko ang natirang pera para dalhin sa bangko. Tiningnan ko muna ang laman ng maleta bago bumaba para makasiguro na may dala nga akong pera para hindi ako mapahiya sa bangko. Hatak ko ang maleta sa hallway nang makita ko si Jaja. “Ma'am, aalis ka na? Iiwan mo na ba si Sir?” magkasunod niyang tanong sa akin. “Bakit may dala kang bag? Saan ka po pupunta?” Sunod-sunod ang tanong niya sa akin, kaya nangunot ang noo ko dahil nawalan ako ng pagkakataon para sagutin ang mga tanong niya. Natigil tuloy ako sa paghakbang nang humarang sa daan ko si Jaja at ibinuka niya ang mga braso para hindi ako makadaan. “Ma'am, sandali lang po, tawagan muna natin si Sir. Huwag ka munang umalis.” “Bakit?” tano