Chapter 25

1256 Words

LORABEL Umaga na ako nagising. Masakit rin ang aking ulo dahil napuyat ako kagabi at madaling araw na ako nakatulog. Mahimbing rin ang naging tulog ko, kaya hindi ko namalayan na tanghali na pala. Natampal ko ang aking noo nang makita kong lagpas alas-otso na pala ng umaga. Hindi na ako makakapasok sa unibersidad nito dahil huli na ako, kaya absent tuloy ako ngayong araw. “Good morning.” Nangunot ang noo ko nang kabigin ako sa bewang ni Uncle Zarex at niyakap niya ako ng mahigpit. “Uncle, hindi ka pa ba uuwi sa inyo?” tanong ko sa kaniya. “Can I stay here with you?” tanong rin niya sa akin. “Hindi,” mabilis kong sagot. “Papasok ako, kaya aalis ako mamaya.” Nagsinungaling ako para iwan niya ako. Gusto ko munang umalis si Uncle Zarex at makalayo sa kaniya dahil kinakabahan ako kapag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD