LORABEL Nang makabawi si Uncle Zarex, kinuha niya ang kahon na ibinigay niya sa akin at binuksan ito. Tahimik naman akong nakaupo at pinagmamasdan ang ginagawa niya hanggang sa kinuha niya ang cellphone at inabot sa akin. "It's ready to use, babe.” “Salamat,” nahihiya kong sagot. Kahit ayaw ko na sanang tumanggap ng kahit ano mula sa kaniya, kinuha ko na ang cellphone at tiningnan ko ito. Bagong modelo pala ito ng iPhone. Siguradong mahal ito dahil nakikita ko lamang ito sa ilang advertisement sa blue app at sa mga sikat na influencer online. “Ang mahal nito, Uncle,” hindi nakatiis na sabi ko sa kaniya, pero ngumiti lang siya sa akin. “Okay na ako sa Android na cellphone.” Kinabig ako sa ulo ni Uncle Zarex at pinatakan ng magaan na halik sa sintido. “You deserve the best, babe,”