LORABEL “Babe, I brought you something. Gusto mo bang makita?” narinig kong tanong ni Uncle Zarex habang marahan niyang hinahaplos ang likuran ko. “Ano ‘yon, Uncle?” nakapikit kong tanong sa kaniya. “Phone,” maikli niyang sagot. Umangat ang mukha ko mula sa pagkakasubsob sa kaniyang dibdib at napatingala ako kay Uncle Zarex. “You mean… binilhan mo ako ng cellphone?” “Yeah,” nakangiti niyang sagot. “Talaga?” Napapikit ako nang patakan niya ako ng magaan na halik sa labi bago sinagot ang tanong ko. “Yes.” Hindi ako makapaniwala na bibilhan niya ako ng cellphone dahil hindi naman ako humingi at nagsabi kay Uncle Zarex na bilhan niya ako. “Bakit mo ako binilhan?” tanong ko sa kaniya. “You need it,” sagot niya. “Hindi mo na sana ako binilhan ng cellphone, Uncle. Baka kung ano na