LORABEL Nagluto ako ng lugaw dahil ito lang naman ang puwede kong lutuin ngayon. May luya at itlog akong natira, kaya bawang na lang ang binili ko kanina. Hindi ko alam kung kakain siya nito dahil mayaman si Uncle Zarex at hindi ganito ang pagkain na kinakain niya. Tahimik akong naghihiwa ng mga sangkap nang sumunod sa akin si Uncle Zarex dito sa kusina. Tumayo siya sa tabi ko, pero hindi ko siya kinibo. Tahimik rin siya at para bang nakuntento na lamang na panoorin ang ginagawa ko, pero hindi naman ako mapakali dahil alam kong pinapanood niya ako. Gusto ko na sanang pauwiin si Uncle Zarex, pero hindi ko naman siya kayang paalisin dito sa bahay dahil kahit naiinis ako sa kaniya, ay hindi ko puwedeng kalimutan na malaki ang naging tulong niya sa akin. Naggigisa ako ng bawang at luya n