LORABEL “Huwag kang gumawa ng kuwento, Mang Zarex,” sabi ni Brando sa lalaking katabi ko, pero nginisihan siya ni Uncle Zarex. “Why don't we ask her?” Napalunok ako nang dumako ang tingin sa akin ni Brando. Inalis ko ang nakaakbay na braso ni Uncle Zarex sa balikat ko at bahagyang umatras para magkaroon kami ng kaunting distansya sa isa't isa. Tinabig naman ni Brando ang braso ni Uncle Zarex at bigla siyang pumasok sa pintuan. Natakot tuloy ako dahil nakita kong ang sama pala ng tingin ng lalaking katabi ko sa aking kaibigan. Salubong ang kilay ni Uncle Zarex. Kunot rin ang kaniyang noo, at hindi maipinta ang mukha, kaya kinakabahan ako dahil alam kong hindi niya nagustuhan ang biglang pagpunta dito sa bahay ng kaibigan ko. Napatingin ako kay Uncle Zarex nang abutin niya ang kamay