ZAREX Lahat ng posibleng puntahan ni Belle ay pinuntahan ko na rin para mahanap siya. Upon my investigation, nalaman kong si Faye ang huli niyang nakausap sa simbahan dahil naroon din ang asawa ni Adi, pero kilala ko ang babaeng iyon, she won't talk, and I can't force her either dahil takot sa kaniya ang kaibigan ko. Kahit alam kong galit sa akin si Faye, ay pumunta ako dito sa bahay nila, pero si Adi lang ang nakita ko. “What's up, Z?” tanong ni Aidan sa akin. Tinanguan ko lang siya. I'm boiling with anger right now, kaya madilim ang ekspresyon ko at hindi ko magawang ngumiti dahil sa galit na nararamdaman ko. “You know why I'm here, Adi,” pormal ang ekspresyon na sabi ko sa kaniya, pero nginisihan niya ako. Tinapik ako ni Adi sa balikat at sinabing umupo muna ako. “My wife isn't