ZAREX Kuyom ang aking kamao nang pumarada ang kotse ko sa tapat ng malaking gate ng bahay nina Tita Aila at Tito Johnson. Kasunod kong bumaba sa sasakyan si Adi, at sabay kaming lumapit sa malaking gate. Nakilala naman kami agad ng mga guwardiya nang mag-doorbell ako, kaya pinagbuksan nila kami at pinapasok sa loob ng bakuran. “Good evening, Sir,” bati sa akin ng kasambahay nang pagbuksan kami nito ng pintuan. “Where's Tita Aila?” tanong agad ni Adi. “Nasa dining room po, kumakain sila ng hapunan,” mabilis na sagot ng kasambahay. “Alright, tell her, na dumating ako,” utos ni Adi. Tahimik akong nakatayo sa tabi niya. Hindi ako nagsalita, pero sinusuyod ng mga mata ko ang buong kabahayan at hinahanap ko si April. Siya ang pinaghihinalaan kong utak sa panunulsol kay Belle para sirain
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books