LORABEL Hinatid ako ni Uncle Zarex sa silid na tinuluyan ko noong dinala niya ako dito sa kaniyang bahay. Bago siya umalis, sinabi niyang maligo muna ako para gumanda ang aking pakiramdam at maghahanda siya ng pagkain para sa akin. Hindi pa nga pala ako kumakain ng hapunan. Tanging tubig at biskwit lamang ang laman ng tiyan ko, kaya nahiya ako kay Uncle Zarex nang marinig niyang tumunog ito kanina habang naglalakad kami papunta dito sa silid ko. Matapos maligo, bumaba na ako. Nadatnan kong nakatayo sa gitna ng sala si Uncle Zarex. Hawak niya ang cellphone at may kausap sa kabilang linya. Mukhang galit siya dahil matigas ang kaniyang ekspresyon, pero ngumiti siya nang makita ako. Napalunok ako nang makita kong tiningnan niya ang suot ko at sinuyod ng kaniyang mga mata ang aking kabuuan